Showing posts with label poems. Show all posts
Showing posts with label poems. Show all posts

Sunday, May 10, 2026

May 10, 2026

Pagod na Puso

 Pebrero, Mayo, Disyembre at Hunyo,

Mga buwang dati ay kinasasabikan ko;

Ngayon ako ay nagtataka at nalilito,

Bakit puro sakit at lungkot ang hatid nito?


Kasalanan ko bang ako ay umasa?

Ng kahit kaunti lamang na pagpapahalaga;

O ako kaya ay isa lamang eksaherada,

Nangangarap na maging prinsesa.


Marahil nga ako ang syang may sala,

Binigay ko lahat ng makakaya;

Kaya nakampante ka ng bongga,

Nalulong sa tropa at pagtungga!


Ngunit ngayon ako'y sadyang pagod na,

Ipaalala sayo ang aking halaga;

Marahil nga ay hindi na masasambit pa,

Mga katagang "Mahal kita!".

Thursday, September 19, 2019

September 19, 2019

Pusong Bato

Akala ko natagpuan ko na,
Pag-ibig na inaasam-asam;
Akala ko na nakamit ko na,
Pagsintang walang agam-agam.

Ngunit bakit kung kailan panatag na,
Ay saka biglang nag-iba;
Ang noo'y masayang pagsasama,
Tila nahaluan ng pagdududa.

Puso ko'y nagdurugo,
Katawan ay nanlulumo;
Damdamin ay nabilanggo,
Bakit ako'y ipinagkanulo.

Hanggan kailan magtitiis?
Ito ang nais na mabatid;
Hanggang kailan tatangis?
Upang pasakit ay mapatid.

Panahon na para sumuko,
Sa puso kong pagod ay payo;
Sadyang may mga bagay sa mundo,
Na hindi nararapat sayo.

Paalam na mahal ko,
Ayoko ng magpakagago;
Sa taong di marunong magpakatotoo,
Pagkat puso nya'y tunay ngang sintigas ng bato!




Thursday, April 27, 2017

April 27, 2017

Renee Joy's Valedictory Speech

valedictory speech-valedictorian
My Valedictorian

Parang kailan lang ng ako ay nagsimulang pumasok at mag-aral sa paaralang ito. Sino ang mag-aakala na ang noon ay isang batang maliit, tahimik at mahiyain ay tatayo ngayon dito sa harapan ninyo. Parang kailan lang pero heto ngayon tayo, may magkahalong saya at lumbay sa pagtatapos ng isa na naming yugto ng ating buhay – ang buhay Elementarya! Classmates, Fellow Graduates, we did it!

At ngayon nga, sa mahalagang araw na ito, samahan nyo ako sa pagbibigay pugay sa ating mga panauhin sa hapong ito na pinangungunahan ng ating panauhing tagapagsalita, Ginang Gail Montenegro, ang ating mabait at magandang school directress, Binibining Elisa Chua, ang ating mga butihing guro kasama na ng lahat ng bumubuo sa Spark Academy of Global City, ang ating mga pamilya, kaibigan na naririto ngayon, gayon na rin sa ating lahat na magsisipagtapos sa araw na ito, isang maganda at pinagpalang hapon po sa ating lahat!

Pagtatapos. Sa ilang saglit na lamang, tuluyan na nga tayong magpapaalam sa ating pinakamamahal na paaralan. Sa ilang saglit na lang ay magbubukas naman ang isang panibagong yugto ng ating buhay bilang mag-aaral. Ngunit bago pa man tuluyang matapos ang kabanatang ito ay nais ko po munang iparating ang aking taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga taong tumulong sa akin upang mapagtagumpayan ko ang lahat ng mga pagsubok at marating ang kinatatayuan ko ngayon.

Unang-una sa lahat, nais ko pong mapagsalamat sa Poong Maykapal sa lahat ng biyayang ipinagkaloob nya sa akin. Mula pagkabata at magpahanggang ngayon, God never fails to bless and shower me with His love and mercy sa pamamagitan ng pagkakaloob sa akin ng mga taong sya naming naging instrumento upang magampanan ko ng maayos ang lahat ng mga tungkulin at obligasyon bilang isang Kristiyano, anak, kapatid, mag-aaral at kaibigan.

Ikalawa, ang aking pamilya, ang aking mga magulang. Whatever achievements I have right now, I owe it to them. Mama, Papa, thank you for always supporting me, for always being there for me and for always giving me the much needed push whenever I am doubting my skills and capabilities. Thank you for believing in me. But most of all, thank you so much for loving me, unconditionally. I love you both.

To my Lola Ella, thank you also for all the love and encouragement.

Sa aking Lolo August, salamat sa pang-aalaska. Haha! I know naman that behind all those teasings lies your sincere support for me. Salamat din sobra sa araw-araw na paghatid at pagsundo sa amin sa eskwelahan. Next school year ulit ha! J

To my Lola Paz, you might not be here with us now, still I want to thank you for everything that you have done for me, for us.  I know that you are still guiding us from up there, and for that, I thank you so much.

And to my sister, all my titos and titas, thank you also for supporting me in whatever means that you all can.

Of course, nais ko ring pasalamatan ang aming mapagmahal na directress, Teacher Lisa. Salamat po sa pagtatatag sa Spark Academy of Global City na nagsilbing pangalawang tahanan ko sa loob ng walong taon. Salamat po sa lubos na pagtitiwala sa kakayahan ko.
At sa lahat ng aking mga naging guro, maraming, maraming salamat po sa pagmamahal, pagtitiyaga at suporta. Dahil po sa inyo, nagawa ko ang mga bagay na hindi ko inakalang magagawa ko. Salamat po ng marami sa pagtitiwala. I will forever hold all of you dear in my heart!

Sa aking adviser, Sir Paul, thank you po sa lahat! Hindi lang po kami natututo ng mga aralin at ng mga iba pang importanteng bagay, siniguro nyo rin pong magiging masaya ang huling taon namin dito sa Spark Academy, and for that, thank you po talaga!

Kay Sir Kevin at Teacher Jamie, salamat din po pagtuturo sa akin at pag-alalay sa pageant. Joining that pageant is definitely one important milestone in my life. Who would have thought na beauty queen material pala ako?! Hahaha Kidding aside, thank you po talaga dahil joining that pageant really boosted my confidence even more. I was able to somehow overcome my shyness, and for that I am already a winner, even without the crown! Next year, bawi po ang Spark! J

Last but definitely not the least, to all my classmates and friends, thank you for everything! Thank you for all the memories that we shared. Sa lahat ng kulitan, asaran, tawanan at maging iyakan, salamat at palagi lang kayong nandyan. Hindi man tayo magkasama-sama sa High School, rest assured na never ko kayong makakalimutan! So much for the drama, instead, let us all be happy dahil sa wakas, nagbunga na ang lahat ng ating pagsisikap! Graduate na tayo! Palakpakan natin ang ating mga sarili for a job well done! We all deserve it!

And with this, I would like to end my speech with this famous quote by Confucius, "The journey of a thousand miles begins with but a single step." Malaki o maliit man, di na mahalaga. What is important is for us to continue moving forward. So let us now start making that another step in our lives. Sabay-sabay na tayo sa paghakbang tungo sa maunlad na kinabukasan!

Congratulations Class of 2017! Mabuhay tayong lahat!

Saturday, August 22, 2015

August 22, 2015

Mailap na Pangarap

Sa lamig ng gabi,
Muli akong nagmuni-muni;
Tungkol sa mga bagay-bagay,
At pangyayari sa buhay.

Mahirap man aminin,
Di ko masalamin;
Mga pangarap kong mithi,
Hindi pa rin ngumingiti.

Bakit kay ilap,
Katuparan ng pangarap;
Sadya bang wala ng wakas,
Ang pagiging panakip-butas!

Thursday, February 12, 2015

February 12, 2015

Mahal Pala Kita

Isang kembot na lang, Valentine's Day na! Tiyak na mapupuno na naman ang mga malls, hotels at mga kainan ng mga mag-sing-irog at ang buong kapaligiran ay mapupuno ng pagmamahalan. Kaliwa't kanang mga pakulo ang tiyak na namang iaalok ng mga establisyento para lamang mas lalo pang gawing espesyal ang Araw ng mga Puso! Exciting di ba?!

At dahil nga espesyal ang araw na ito, nais ko lamang balikan at ibahagi ang kakornihan ng aking kamusmusan! Hahaha!!!

Sa totoo lang , hindi lang ang Araw ng mga Puso ang dahilan kung bakit ko hinalungkat ang aking mga kagamitan at hanapin ang aking lumang libro. Ang aking pusong Pilipino ay bahagya ring nagising matapos kong mapakinggan ang maiksi ngunit malamang mga pahayag at talumpati ng isa sa pinakabatang mananalaysay at manunulat ng kasaysayan na si Xiao Chua! Hindi man likas na tunog-Pilipino ang kanyang pangalan, ang kanyang pusong Pilipino ay hindi naman matatawaran! :)

Balik tayo sa aking kabataan, mga edad sampu o labing isa. Hindi ko alam kung paano nagsimula ang pagkahilig ko sa paggawa ng mga tula, at isang araw ay di ko namalayan na nakalikha na ako ng ilang mga tula na syang tinipon ko sa isang libro. Marahil, isa sa mga nakaimpluwensya sa akin ay ang pagkahilig ko rin sa pagbabasa ng mga nobela, mapa-Tagalog o Ingles man.


Ang aking munting libro ng mga tula...


Sulat-kamay kong tula...

At heto nga ang kabuuan ng isa sa mga tula ng aking kabataan. Sana ay inyong magustuhan... :D Maligayang Araw ng mga Puso!!!


Mahal Pala Kita

Tayo'y magkababata't,
Malapit sa isa't isa;
Kalungkuta'y 'di alintana,
Basta't tayo'y magkasama.

At dumating na nga ang araw,
Nang pagdadalaga't pagbibinata;
Ngunit samahan natin,
Nanatiling maganda.

Closeness nati'y mas yumabong, 
Sa bawat araw na sa ati'y sumalubong;
At kahit magkalayo tayo,
Handa pa ring magbigay-payo.

Sa lahat ng ito,
Hindi ko man lang napagtanto;
Lihim ka pa lang umiibig,
Sa akin, kaibigan ko!

Sayo ako'y nagalit, 
Samaha'y ipinagpalit;
Sa barkadang sa akin, 
Ay nagdulot ng pasakit.

Ngayon, hanap-hanap ka,
Ngunit di kita makita;
Kaya ngayon alam ko na, 
Mahal pala kita! 


Sunday, April 6, 2014

April 06, 2014

Alak

One morning, while I am in transit going to work, ideas just kept coming into my mind. And as I know that if I let that chance pass again, I won't be able to remember anything anymore of those ideas. So I risked my phone and started typing. And here is the by-product - a poem! :) A Tagalog poem entitled "Alak".

I know there will be someone out there who can relate to this too! :)




Sunday, January 5, 2014

January 05, 2014

My Royce' Pure Chocolate Experience!


I am not really fond of chocolates. Actually, am not really into sweets! But, of course, everything has an exception as  I definitely can't say NO to Leche Flan! I just so love this! :) And this rule also applies to chocolate. Although, I am not fond of it , I get to eat some of these too, sometimes. But oftentimes, this times, I prefer white chocolates! I really don't like the bitter taste, especially of the dark-flavored ones!

But, this, I think will now have to change. I think, I will be eating more and more chocolates from now on! The culprit?! It's Royce' Pure Chocolates!

Just recently (December 28, 2013), I have attended a wedding in one of the prestigious five-star hotel here in the country, the Hyatt Hotel. And as part of the program, guests were asked to compose a message for the bride and groom in a wooden piece that looks like a part of a big puzzle.

This is a photo of my message entry:

At the end of the program, the winner was announced - and luckily, it was ME! Lucky me! :)

And this became my prize!


And when opened, this is how it looks like:



Each thin slices of chocolates are individually wrapped which sealed in its freshness and amazing taste!

I just so love Royce' Pure Chocolates!!! Not so sweet at all! And definitely, no bitterness at all! Just pure heavenly yumminess!!! :)

By the way, Royce Chocolates are made in Japan. So I guess, I should really be thankful to them for this, huh?! :)

Below are photos of my two wonderful daughters enjoying the chocolates! :)

Renee Joy with Royce Chocolates!

Monday, December 2, 2013

December 02, 2013

Parang Kailan Lang...

I've written this poem days or weeks after  my mother-in-law's death, though for some reasons, I was not able to published it.

So now, as we remember one of the precious person in our lives, I would now like to take this chance to finally share this to everyone whom in some way or another, she was able to touch and make a difference in their lives...

Ma, I know, somehow, we are in a situation now that you can't really be proud of... But nevertheless, this doesn't change the fact that we all truly love and miss you!!!

We, I, promise, that the time will still come that we will still be able to make you proud! For now, I hope and pray that our unending love for you will be enough for you to attain that inner peace and happiness that you deserve.

We love you so much Ma! And thank you for everything!!! We miss you!


About

Blog Archive