Thursday, April 27, 2017

Renee Joy's Valedictory Speech

valedictory speech-valedictorian
My Valedictorian

Parang kailan lang ng ako ay nagsimulang pumasok at mag-aral sa paaralang ito. Sino ang mag-aakala na ang noon ay isang batang maliit, tahimik at mahiyain ay tatayo ngayon dito sa harapan ninyo. Parang kailan lang pero heto ngayon tayo, may magkahalong saya at lumbay sa pagtatapos ng isa na naming yugto ng ating buhay – ang buhay Elementarya! Classmates, Fellow Graduates, we did it!

At ngayon nga, sa mahalagang araw na ito, samahan nyo ako sa pagbibigay pugay sa ating mga panauhin sa hapong ito na pinangungunahan ng ating panauhing tagapagsalita, Ginang Gail Montenegro, ang ating mabait at magandang school directress, Binibining Elisa Chua, ang ating mga butihing guro kasama na ng lahat ng bumubuo sa Spark Academy of Global City, ang ating mga pamilya, kaibigan na naririto ngayon, gayon na rin sa ating lahat na magsisipagtapos sa araw na ito, isang maganda at pinagpalang hapon po sa ating lahat!

Pagtatapos. Sa ilang saglit na lamang, tuluyan na nga tayong magpapaalam sa ating pinakamamahal na paaralan. Sa ilang saglit na lang ay magbubukas naman ang isang panibagong yugto ng ating buhay bilang mag-aaral. Ngunit bago pa man tuluyang matapos ang kabanatang ito ay nais ko po munang iparating ang aking taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga taong tumulong sa akin upang mapagtagumpayan ko ang lahat ng mga pagsubok at marating ang kinatatayuan ko ngayon.

Unang-una sa lahat, nais ko pong mapagsalamat sa Poong Maykapal sa lahat ng biyayang ipinagkaloob nya sa akin. Mula pagkabata at magpahanggang ngayon, God never fails to bless and shower me with His love and mercy sa pamamagitan ng pagkakaloob sa akin ng mga taong sya naming naging instrumento upang magampanan ko ng maayos ang lahat ng mga tungkulin at obligasyon bilang isang Kristiyano, anak, kapatid, mag-aaral at kaibigan.

Ikalawa, ang aking pamilya, ang aking mga magulang. Whatever achievements I have right now, I owe it to them. Mama, Papa, thank you for always supporting me, for always being there for me and for always giving me the much needed push whenever I am doubting my skills and capabilities. Thank you for believing in me. But most of all, thank you so much for loving me, unconditionally. I love you both.

To my Lola Ella, thank you also for all the love and encouragement.

Sa aking Lolo August, salamat sa pang-aalaska. Haha! I know naman that behind all those teasings lies your sincere support for me. Salamat din sobra sa araw-araw na paghatid at pagsundo sa amin sa eskwelahan. Next school year ulit ha! J

To my Lola Paz, you might not be here with us now, still I want to thank you for everything that you have done for me, for us.  I know that you are still guiding us from up there, and for that, I thank you so much.

And to my sister, all my titos and titas, thank you also for supporting me in whatever means that you all can.

Of course, nais ko ring pasalamatan ang aming mapagmahal na directress, Teacher Lisa. Salamat po sa pagtatatag sa Spark Academy of Global City na nagsilbing pangalawang tahanan ko sa loob ng walong taon. Salamat po sa lubos na pagtitiwala sa kakayahan ko.
At sa lahat ng aking mga naging guro, maraming, maraming salamat po sa pagmamahal, pagtitiyaga at suporta. Dahil po sa inyo, nagawa ko ang mga bagay na hindi ko inakalang magagawa ko. Salamat po ng marami sa pagtitiwala. I will forever hold all of you dear in my heart!

Sa aking adviser, Sir Paul, thank you po sa lahat! Hindi lang po kami natututo ng mga aralin at ng mga iba pang importanteng bagay, siniguro nyo rin pong magiging masaya ang huling taon namin dito sa Spark Academy, and for that, thank you po talaga!

Kay Sir Kevin at Teacher Jamie, salamat din po pagtuturo sa akin at pag-alalay sa pageant. Joining that pageant is definitely one important milestone in my life. Who would have thought na beauty queen material pala ako?! Hahaha Kidding aside, thank you po talaga dahil joining that pageant really boosted my confidence even more. I was able to somehow overcome my shyness, and for that I am already a winner, even without the crown! Next year, bawi po ang Spark! J

Last but definitely not the least, to all my classmates and friends, thank you for everything! Thank you for all the memories that we shared. Sa lahat ng kulitan, asaran, tawanan at maging iyakan, salamat at palagi lang kayong nandyan. Hindi man tayo magkasama-sama sa High School, rest assured na never ko kayong makakalimutan! So much for the drama, instead, let us all be happy dahil sa wakas, nagbunga na ang lahat ng ating pagsisikap! Graduate na tayo! Palakpakan natin ang ating mga sarili for a job well done! We all deserve it!

And with this, I would like to end my speech with this famous quote by Confucius, "The journey of a thousand miles begins with but a single step." Malaki o maliit man, di na mahalaga. What is important is for us to continue moving forward. So let us now start making that another step in our lives. Sabay-sabay na tayo sa paghakbang tungo sa maunlad na kinabukasan!

Congratulations Class of 2017! Mabuhay tayong lahat!

No comments:

Post a Comment

About

Blog Archive