Mahal Pala Kita
Isang kembot na lang, Valentine's Day na! Tiyak na mapupuno na naman ang mga malls, hotels at mga kainan ng mga mag-sing-irog at ang buong kapaligiran ay mapupuno ng pagmamahalan. Kaliwa't kanang mga pakulo ang tiyak na namang iaalok ng mga establisyento para lamang mas lalo pang gawing espesyal ang Araw ng mga Puso! Exciting di ba?!
At dahil nga espesyal ang araw na ito, nais ko lamang balikan at ibahagi ang kakornihan ng aking kamusmusan! Hahaha!!!
Sa totoo lang , hindi lang ang Araw ng mga Puso ang dahilan kung bakit ko hinalungkat ang aking mga kagamitan at hanapin ang aking lumang libro. Ang aking pusong Pilipino ay bahagya ring nagising matapos kong mapakinggan ang maiksi ngunit malamang mga pahayag at talumpati ng isa sa pinakabatang mananalaysay at manunulat ng kasaysayan na si Xiao Chua! Hindi man likas na tunog-Pilipino ang kanyang pangalan, ang kanyang pusong Pilipino ay hindi naman matatawaran! :)
Balik tayo sa aking kabataan, mga edad sampu o labing isa. Hindi ko alam kung paano nagsimula ang pagkahilig ko sa paggawa ng mga tula, at isang araw ay di ko namalayan na nakalikha na ako ng ilang mga tula na syang tinipon ko sa isang libro. Marahil, isa sa mga nakaimpluwensya sa akin ay ang pagkahilig ko rin sa pagbabasa ng mga nobela, mapa-Tagalog o Ingles man.
Sulat-kamay kong tula... |
At heto nga ang kabuuan ng isa sa mga tula ng aking kabataan. Sana ay inyong magustuhan... :D Maligayang Araw ng mga Puso!!!
Mahal Pala Kita
Tayo'y magkababata't,
Malapit sa isa't isa;
Kalungkuta'y 'di alintana,
Basta't tayo'y magkasama.
At dumating na nga ang araw,
Nang pagdadalaga't pagbibinata;
Ngunit samahan natin,
Nanatiling maganda.
Closeness nati'y mas yumabong,
Sa bawat araw na sa ati'y sumalubong;
At kahit magkalayo tayo,
Handa pa ring magbigay-payo.
Sa lahat ng ito,
Hindi ko man lang napagtanto;
Lihim ka pa lang umiibig,
Sa akin, kaibigan ko!
Sayo ako'y nagalit,
Samaha'y ipinagpalit;
Sa barkadang sa akin,
Ay nagdulot ng pasakit.
Ngayon, hanap-hanap ka,
Ngunit di kita makita;
Kaya ngayon alam ko na,
Mahal pala kita!
Oh I was so kilig reading the poem! I could easily imagine the feelings behind it. Happy Valentine's day to you!
ReplyDeleteThanks sis at napakilig ka nito! hahaha!
ReplyDeletesorry for the late response, though! very late, actually, but, thank you! :)