Sunday, May 8, 2022

Para sa mga Ilaw ng Tahanan

Ilaw ng tahanan kung sya ay ituring,

Kahit pa nga mga mata, tuwina ay may piring;

Pantay na pagtingin sa lahat ng supling,

Pagmamahal niya’y tunay ngang walang kiling.


Larawan siya ng tibay at katatatagan,

Sa kabila ng kaniyang mabuway na katawan;

Lahat ng bagay ay gagampanan, 

Upang buhay nila’y mapaalwan. 


Sakit at kalungkutan ay di alintana,

Mapasaya lamang ang pamilya;

Kapalit man nito’y pagdurusa,

Kalungkuta’y di maaaninag sa mata. 


Tunay ngang kahanga- hanga,

Katangian ng isang ina;

Siya ay isang malaking biyaya, 

Handog ng Diyos na dakila!


At ngayong espesyal na Araw ng mga Ina,

Hangad ko na sila’y lubos na sumaya;

Dahil nga bukas o sa makalawa,

Tayo’y balik na naman sa pagka-muchacha! 


Maligayang Araw sa lahat ng mga Dakilang Ina sa Mundo!

No comments:

Post a Comment

About

Blog Archive