Tuesday, May 8, 2018

Random Thoughts

May mga pagkakataon sa buhay natin na kahit anong pilit, kahit anong sikap ang gawin natin, sadya talagang hindi umaaayon sa ating plano. At sa mga pagkakataong ito, madalas ginugusto na nating sumuko. Ngunit pagsuko nga ba talaga ang kasagutan? Hindi kaya ang pagtanggap? Pagtanggap na hindi natin hawak, hindi lamang ang isip ng mga taong nasa paligid natin, kundi higit lalo ang plano ng Diyos sa atin.

Pagsubok. Ang bawat sakit at kabiguang ating nararanasan ay pawang mga pagsubok lamang na kapag ating nalampasan ay lalo lang magpapatibay sa atin bilang isang indibidwal. Ang masaklap nga lamang ay kapag hindi natin kinaya ang mga pagsubok na ito dahil maaari itong maging sanhi ng ating tuluyang pagkalugmok at pagkabigo. At dito pumapasok ang kahalagahan ng suporta at pagmamahal ng mga taong nasa paligid natin. Sila ang maaaaring maging sandigan natin sa panahon ng mga kalunos-lunos na pagkakataon. Ngunit muli, paano kung ang mga taong inaaasahan mong dadamay sayo ay siya rin mismong mang-Iowan sayo sa ere. Masakit. Pero iyan ang realidad ng buhay. Sa oras na hinayaan mo ang sarili mong magmahal, ang pagmamamahal ding ito ang nagbigay sa kanila ng kakayahan upang ikaw ay masaktan. Ang saklap, pero ito talaga ang katotohanan.

Sa mga ganitong eksena, tatanungin mo ang sarili mo, " Sa mga sakit at pagdurusang maaari mong maranasan kapag nagmahal ka, worth it pa ba?! Kapag nawala na ang kilig, may sense pa ba ang pagsasama? Kapag ang pagmamahal at tiwala ang nawala, ipaglalaban mo pa ba?!"

Ano man ang kasagutan, isang mahalagang bagay ang aking natutunan, ang pagmamahal sa sarili ay wag kaligtaan. Dahil sa panahong ang lahat ay ikaw ay iniwan, tanging sarili mo lang ay iyong magiging puhunan. Puhunan sa pagtawag sa Poong Maykapal, at sa Kanya, ikaw ay makakaasa na hinding-hindi ka susukuan at pababayaan!


No comments:

Post a Comment

About

Blog Archive